End and New Beginning
Hi Camille,
I'm back, we are back. Its been 5 years and 4 months since nung nanalo ka, matagal tagal din yung 5 years lalo nat nag pandemic. Madaming sacrifices, realization, ni-let go na mga tao, feelings, oppurtunity at kung ano ano pa man pero behind sa mga ito ang dami din nangyari na para sakin ay nagsilbing aral sakin at mas lalo ko pang nakilala yung sarili ko.
Ngayon nasa isang linggo akong pahinga, magditate, magplan, at maghanap pa ng inspirasyon para magpatuloy ulit yung buhay ko bilang isang sibilyan. Para sakin ito yung panahon na sarili ko naman ang papasayahin ko, sarili ko naman yung pagsisilbihan ko, sarili ko naman yung dapat ipriority ko, sarili ko naman yung iuupgrade ko at aalagaan ko na dapat dati ko pang ginawa. Deserve mo din Camille lahat ng pagmamahal na meron ang mundo, deserve mo din yung mabigyan yung sarili mo ng happiness, deserve mo din mangarap at bigyan yung sarili mo ng panibagong oppurtunity sa life. Sa lahat ng nangyari nung mga nakaraan ito na yung panahon para mag bounce back sa life at sa sarili mo.
Sa susunod mas lalo akong naeexcite sa mga mangyayari pa sakin kasama pamilya ko, kaibigan ko at mga mga mahal ko sa buhay. Mas nagllook forward na ko sa mga magiging outcome ng mga decision ko. Mas naeexcite ako sa mga panibagong pangarap na gusto kong makamit. Sana itong excitement na to hindi matapos kahit ano mang pagsubok na ibato. Camille, patuloy ka sanang bumangon sa bawat hamon ng buhay. Malulungkot, masasaktan, at madudurog pero wag mo sanang kalimutan sa bawat negative na nangyayari sayo may positive pa na susunod. Lagi mong tandaan yung mga taong never kang iniwan at patuloy parin nagtitiwala sayo kahit ano man mangyari.
Comments
Post a Comment